Category: Uncategorized
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

52/100 Hindi ko minadali At di naging madali Pero sana maintindihan mo iyong bigat At ang pinanggalingan ng malalim na sugat © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

51/100 At alam mo ba na …Doon ko naramdaman yung sugat na di ko alam gamutinPinaramdam mo …Iyong sugat, sakit at lungkot na di ko alam pagaanin © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

50/100 Pero hindi ko na mababago ang nangyareIniwan mo ako sa ereHindi ka humingi ng tawadPaliwanag man lang ay wala akong natanggap © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

49/100 Sana nagpakatotoo na lang na meron nang ibaKesa naman sa pinagmukha mo muna akong tangaPaliwanag, wala akong natanggap sa iyoYung totoo, nalaman ko pa sa ibang tao © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

48/100 Patawad, pero hindi proteksyon ang ibinigay moSa pagtatago, sugat ay mas lumaki at bumigatMas binigyan mo ako ng dahilang magalit sayoPano mo kinayang bigyan ako ng ganitong sugat? © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

47/100 Pero bakit?Bakit di ka na lang nagpakatotoo?Pero bakit?Bakit mas pinili mo munang magtago? © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

46/100 Hindi ka perpektoAt ito ay alam na alam koHindi ko naman hinihilingKasi ako ay ganoon din © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

45/100 Hindi ba pagmamahal iyon sayo?O di talaga magtugma ang tayo? Teka, bakit ko pa nga ba tinanong?Eh ang sagot ay malinaw na “oo” © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

44/100 Hindi ko alam kung alam mong nadudurog akoNadudurog ako kapag sinusukuan mo sarili moPag nanghihina ka, tanong ko ay “paano tayo?”Pero di kita iniwan, di ako umalis sa tabi mo © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn
-
Apat na Talata, Isang daang pahina ng Paglaya

43/100 Ang mararangyang bagay ay di ko hiningiAng mararangyang lugar ay di ko pinilitSa tabi mo pinipili kong manatiliAng “ikaw at ako” ang laging pinipili © 2024. All rights reserved. Ashley Mae Bautista.Cover Photo: Canva | Victoria Rusyn